TODAS ang may 45 katao habang 70 ang naitalang sugatan makaraan ang naganap na pagsabog sa Pakistani-Indian border malapit sa Pakistani City ng Lahore.
Kinumpirma ng Inspector-General ng Punjab Police, Mushtaq Sukhera sa Khaleej Times, isang suicide bomber ang responsable sa nasabing pagsabog kung saan gumamit ng gas cylinder.
Sinasabing sinamantala ng mga suspek ang pagkakataon na hindi pa mahigpit ang seguridad sa nasabing lugar at pinasabog ang dalang bomba sa mataong lugar na malapit sa isang restaurant.
Sa kasalukuyan ay patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing pagsabog. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment