PANGUNAHING suspek ngayon ang paniki na siyang pinanggagalingan umano ng Ebola virus sa West Africa kung saan halos 5,000 na ang namatay.
Kinumpirma ni Michelle Baker ng Commonwealth Scientific and Industrial Research Organization, ang pagpapakalat ng virus ay dahil sa maraming bilang ng mga paniki at sa kakaibang immune system ng mga ito.
Sinasabing ang paniki ay nagdadala ng higit 100 viruses kabilang ang Ebola, rabies at SARS ngunit hindi ang mga ito nagkakasakit.
Nalilipat umano ang virus sa pamamagitan ng contact sa dugo ng naturang hayop.
Nabatid na ang mga paniki, antelopes, squirrels, porcupines at maging unggoy ay kinakain sa West at Central Africa.
Kasalukuyang pinag-aaralan ngayon ng mga scientists kung paano ipinapakalat ng paniki ang naturang virus. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment