NASAWI ang dalawang katao habang nasa kritikal na kondisyon ang isa pa makaraang magbanggaan ang dalawang motorsiklo sa kahabaan ng Bgy. San Vicente, San Fernando City.
Hindi na umabot pa nang buhay sa Ilocos Training ang Regional Medical Center (ITRMC) si Mar Jayson Tangalin, 20, binata, ng Bgy. Ortiza, Naguilian habang namatay habang ginagamot si Emmanuel Gudivino, 20, ng Bgy. San Vicente, sa lungsod.
Kritikal naman ang backride ni Gudivino na si Goodlyn Lorenza, 20.
Lumalabas na kapwa patungo sa magkasalungat na direksyon ang dalawang motor nang bigla na lamang itong nagsalpukan.
Tumilapon ang tatlo kung kaya nagtamo ng matitinding sugat sa katawan.
Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang imbestigasyon sa nasabing insidente. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment