Thursday, November 27, 2014

Trillanes bilang Pangulo, pinagtawanan ng kampo ni Binay

PINAGTAWANAN at minaliit ng kampo ni Vice-President Jejomar Binay ang balitang kabilang si Senator Antonio Trillanes sa posibleng makatapat nito sa 2016 Presidential elections.


Tila natatawa pa si Binay nang matanong ukol dito dahil nabuo sa kanyang kaisipan na kaya siya ibinabagsak ni Trillanes dahil sa hangaring kumandidato sa pagkapangulo ng bansa.


Samantala, sinabi naman ni Cavite Governor Jonvic Remulla, tagapagsalita ni Binay sa usaping politikal, lumalabas na ngayon ang tunay na motibo ni Trillanes sa ginagawa nitong pagbanat kay Binay sa mga senate hearing sa senado.


Sa kabila nito, ipinagmalaki naman ni Remulla na nanatili pa rin sa tiwala at suporta ng publiko sa Pangalawang Pangulo. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Trillanes bilang Pangulo, pinagtawanan ng kampo ni Binay


No comments:

Post a Comment