Wednesday, July 9, 2014

Tigdas outbreak, idineklara sa Sarangani Province

NAGDEKLARA na ng tigdas outbreak ang Municipal Health Office ng Alabel sa Saranggani Province.


Ayon sa MHO-Alabel, nasa 189 na ang biktima ng tigdas sa bayan at dalawa rito ay namatay na mula Enero hanggang unang linggo ng Hulyo.


Pinakamarami sa mga biktima ay mula sa Barangay Pag-asa.


Dahil dito, tiniyak ni Dr. Honorato Fabio, Municipal Health Officer ng Alabel, ang pinaigting na house-to-house campaign para mapigilan ang pagkalat at mabakunahan ang mga bata.


The post Tigdas outbreak, idineklara sa Sarangani Province appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Tigdas outbreak, idineklara sa Sarangani Province


No comments:

Post a Comment