Wednesday, July 2, 2014

Pumaren, iningungusong bagong coach ng SMB

MATAPOS ang malalagim na kabiguan ng koponan ng San Miguel Beermen, napagpasyahan ng mga opisyal na baguhin ang coaching staff at maging ang head coach nito.


Matatandaang sa magtatapos na PBA 2013-14 season, hindi nakasungkit ng kampeonato o makatuntong man lamang sa finals ang koponan ng SMB.


Simula nang mabigong magkampeon noong 2013 PBa Governor’s Cup kontra San Mig Coffee Mixers, hindi na muling nakapasok sa finals ang Beermen.


Ayon sa mga fans ng Beermen, isa sa tinitingnang kakulangan sa koponan ay ang isang mahusay at beteranong head coach.


Dahil dito, tatlong pangalan ng magagaling na coach ang pinag-uusapan via online ng mga die-hard fans ng Beermen.


Ito’y sina Gee Abanilla, dating head coach ng Petron Blaze Boosters (ngayo’y balik SMB na), Luigi Trillo, former coach ng Alaska Aces at si Franz Pumaren, head coach ng Air 21.


Sa tatlo, ang pangalan ni coach Franz Pumaren ang pinakamatunog at pinakanapupusuang maging bagong head coach ng nasabing koponan.


Anila (fans), dapat nang palitan ang active consultant na si Todd Purves na naging coach nitong mga nakaraang komperensya.


Kung matatandaan, isa si Pumaren sa naging manlalaro ng Beermen noong 80′s at naging mahusay sa larangan ng coaching.


Bukod pa rito, naging maganda ang naipamalas niya kasama ang kanyang koponan (Air 21) sa PBA 2013-14 season kung saan umabot sila ng semis nitong nakaraang PBA Commissioner’s Cup.


Gayuman, sinabi ni Pumaren na mananatili siya sa Air 21 hanggang sa matapos ang kontrata nito.


Ngunit tila malabo ang pananatili niya sa Air 21 dahil malinaw na naibenta na ito sa NLEX/ Metro Pacific Investments, Inc. na siyang bagong koponan na papasok sa liga, kabilang ang Kia Motors at Blackwater.


Si coach Franz Pumaren ay kabilang sa koponan ng Beermen na nakasungkit ng Grand Slam Championship noong 1989.


The post Pumaren, iningungusong bagong coach ng SMB appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pumaren, iningungusong bagong coach ng SMB


No comments:

Post a Comment