Wednesday, July 9, 2014

Pre-trial sa kasong plunder ni Revilla, kinansela

KINANSELA kaninang umaga ng Sandiganbayan ang pre-trial sa kaso ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr., sa dating Chief of Staff nito na si Atty. Richard Cambe, Janet Lim-Napoles, Ronald John Lim at John Raymond de Asis kaugnay sa plunder case ukol sa pork barrel scam.


Ito’y matapos kapwa humingi ng palugit na 10 araw ang magkabilang kampo para sa “pre-marking of evidence o exhibits.”


Sa nabanggit na pagdinig, humirit ang prosekusyon ng dagdag na araw para sa marking of evidence dahil may mga dagdag na dokumento pa silang ihahabol.


Subalit, inalmahan ito ni Atty. Michael Ancheta, abogado ni Cambe dahil hindi kumpleto ang ilang mga dokumentong natanggap nila tulad ng exhibits F, G, and H na maglalaman dapat ng mga acquired ill-gotten wealth.


Ayon kay Atty. Joel Bodegon, abogado ni Revilla, isa itong pag-amin sa panig ng prosekusyon na wala silang matibay na ebidensyang ihaharap laban sa depensa.


Bukod sa mahina at batay lamang sa ledger ni Benhur Luy at mga pahayag ng ibang whistleblowers ay kulang din sa supporting evidence na magpapatunay na nagkamal nga ng ill-gotten wealth ang mga akusado mula sa pondo ng taumbayan.


Napagsabihan din ng mga mahistrado ang prosekusyon sa hindi agad paglalabas ng ilang dokumento at pagre-reserve sa mga ito.


Dahil dito, kinansela ang pre-trial na itutuloy sa August 27.


Ang preliminary conference para sa marking of evidence ay itinakda naman sa July 14 at 15 2pm, 18 9am at 2pm, 25 9am at 2pm, Aug. 1 9am at 2pm, Aug. 6 2pm, Aug. 8 9am at 2pm, Aug. 11, 12, 13 2pm, at Aug. 15 9am at 2pm.


Bukas ay nakatakdang dinggin ang motion for bail ni Revilla kung saan unang haharap bilang testigo si Commissioner Susan Garcia ng DBM.


The post Pre-trial sa kasong plunder ni Revilla, kinansela appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pre-trial sa kasong plunder ni Revilla, kinansela


No comments:

Post a Comment