ISANG lalaki ang nanaksak ng basag na bote nang matalo sa suntukan sa 29-anyos na lalaki kagabi sa Tondo, Maynila.
Ginagamot ngayon sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) sanhi ng sugat sa katawan ang biktimang si Rolly Salabag, ng 753 Int. 57 Raxabago St., Tondo, Maynila.
Tumakas naman ang suspek na nakilala lamang sa alyas na Crispin matapos masaksak ang biktima.
Ayon sa Manila Police District-Police Station 2, naganap ang insidente alas-6:30 ng gabi sa panulukan ng Bambang at Masangkay St., Tondo, Maynila.
Sa imbestigayon, nagtalo umano ang biktima at suspek hanggang nauwi sa suntukan.
Natalo umano ng biktima ang suspek sa suntukan hanggang sa makadampot ng basag na bote ang huli at sinaksak ang una sa kaliwang bahagi ng katawan.
Mabilis namang tumakas ang suspek habang isinugod naman ang biktima sa pagamutan. Jocelyn Tabangcura-Domenden
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment