Tuesday, July 1, 2014

Konsehal ng QC nais ng sariling bersyon ng ‘truck ban’

NAGHAHANAP ng makabagong paraan ang isang konsehal upang lalong maging epektibo ang mga pantrapikong batas kasama na ang oras ng trak ban sa Quezon City.


Sa magkahiwalay na mungkahi ng ika-apat na Distrito ng nasabing lungsod na si Konsehal Raquel Malañgen ay ipinauurong nito ang mga oras ng mga trak na maaaring bumiyahe sa QC partikular sa mga pangunahing kalsada at maging ang mga pedicab driver ay pagmumultahin kung magba-violate ito ng batas-trapiko sa nasabing siyudad.


Iminungkahi rin ni Malañgen na ang mga cargo trucks ay payagan lamang sa mga city’s streets sa oras lamang ng alas-9:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga maliban lamang kung araw ng Linggo at holiday, samantalang ‘di rin sila maaaring dumaan o pumarada kahit saang kalsada habang nag-aantay na lumipas ang oras ng trak ban.


The post Konsehal ng QC nais ng sariling bersyon ng ‘truck ban’ appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Konsehal ng QC nais ng sariling bersyon ng ‘truck ban’


No comments:

Post a Comment