SINO kaya itong aktor na nag-out-of-town show kasama ang ibang artista na nang matapos daw ang palabas ay nag-decide na magpalamig-lamig sa isang bar. May nakilala raw itong isang gwapong lalaki at sila’y naglaklakan.
Maya-maya, nagkayayaan daw ang dalawa na ituloy na lamang ang kanilang pag-uusap sa hotel na tinutuluyan ng mhin.
Kinabukasan nagising ang aktor na nananakit ang buong katawan at ang kanyang bandang likod ay mahapding masakit din. Naalala nitong nakipag-inuman pala siya sa isang julakis at naisip niyang nilagyan ng pampatulog ang kanyang iniinom kaya nagawa ng estranghero na pagsamantalahan siya at ilugso ang kanyang puwet, este, puri!
Ang clue, pansamantalang nawala sa eksena ang may name na aktor na kinukuwestyon din ang pagkalalaki dahil kinakailangan daw nitong ipa-repair ang nawarat na wetpaks at kailangan ang matagal-tagal na pahinga.
Walang ibang dapat sisihin kundi ang sarili niya sa pangyayaring ito dahil iniwan niya ang kanyang mga kasamahan para lamang magpasarap pero dusa pala ang aabutin niya mula sa mga kamay ng dakotang mama.
Ito ba’y isang kaso ng panggagahasa o katakawan sa lalaki?
***
FEMALE CELEBRITY TAMBAY NA NG PANSITAN
Ilang taong humawak ng korona sa isang patimpalak ng isang kilalang babasahin ang magandang female celebrity na ‘to. Pero ngayong taon ay natalo na siya ng kalabang aktres at ang layo ng agwat ng boto sa kanya. Hitsurang pinakain siya ng alikabok.
Walang nagawa ang lalaking sumusuporta sa kanya. Kahit sumuka pa ito ng milyon ay ‘di talaga nanalo ang hitad. Ngayon lumabas na ang katotohananang sikreto pala kung bakit panay ang win niya noong mga nakaraang competition ay dahil sa kanyang manager.
Balita namin, inoobliga ng huli ang lahat ng kanyang mga empleyado na bumoto ng higit sa dalawa ang bawat isa sa kanila pabor sa kanyang alaga, maliban pa sa pagbibigay nito ng libreng load sa kung sino-sinong pontio pilato para lamang iboto ang celebrity na ‘to na magiging forever starlet na dahil sa kawalan nang utang na loob sa kanyang manager.
Saang pansitan na kaya nakatambay ang female celebrity na ‘to na walang pr at ubod ng kuring, katulad ng kanyang nanay na mukhang pera? Kasali naman sana ito sa isang once-a-week show sa telebisyon pero saling-pusa lang siya.
***
DABARKADS RUBY RODRIGUEZ SA POWERHOUSE
Dalawampu’t tatlong taon na siyang dabarkads ng Eat Bulaga, ang longest-running noon time show sa bansa. Isa rin siyang batikang host at magaling na komedyante sa pelikula at telebisyon. Ngayong Miyerkules sa Powerhouse, samahan ang award-winning journalist na si Kara David na silipin ang ancestral house ni Ruby Rodriguez.
Taong 1966 nang itinayo ang bahay na kanilang tinitirhan. Gawa sa kahoy at elegante ang buong kabahayan. May anim na kuwarto ito, hindi pa kabilang ang dalawang kuwarto ng kanyang kasambahay.
Mahilig sa sining si Ruby kaya may painting sa halos bawat sulok ng kanyang bahay tulad ng gawa ng modernist at neo-realist painter na si Anita Magsaysay-Ho. May isang obra rin siya na bigay at gawa ng kanyang dabarkads na si Joey de Leon.
Ibang mundo naman daw ang makikita pagpasok sa kanilang family room na kahit moderno ang tema ay mababakas pa rin ang ilang lumang parte nito. Ipakikita rin ng mga anak ni Ruby ang silid ng bawat isa. Puno ng collage ng mga litrato ang kuwarto ng panganay na anak niyang si Toni, samantalang bumida naman sa kuwarto ng bunso ang mga maraming sikat na cartoon characters.
Sa kabila ng pagpapatawa ni Ruby, aminado siyang may mga pagsubok din siyang pinagdaraanan. Isa na rito ang pagkakaroon ng anak na may ADHD o Attention Deficit Hyperactivity Disorder na isang psychiatric disorder kung saan may problema sa atensyon at pagiging sobrang hyper ang isang bata.
Kumuha pa raw ng special education unit si Ruby sa isang American program na mayroon lamang sa University of Visayas para mas maintindihan ang kondisyon ng anak. Plano rin ni Ruby na magtayo ng eskuwelahan para sa special kids.
Kilalanin si Ruby Rodriguez sa likod ng kanyang pagpapatawa at mabighani sa ganda ng kanyang bahay sa Powerhouse ngayong Miyerkules ng hapon, pagkatapos ng Dading sa GMA 7.
***
For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 1:30-2:30 p.m, Monday to Friday. Mabalos! PAPAK!/Abe Paulite
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment