ANG dalawang groundwater monitoring wells na matatagpuan sa Cambitu National High School ay ang kauna-unahang groundwater monitoring wells na naitayo ng National Water Resources Board (NWRB) sa Caboloan Sur, Iloilo noong Mayo 22, 2014.
Ang pagbasbas sa groundwater monitoring wells ay nagkataong nasabay sa pagpapasinaya sa bagong gawang gusali ng paaralan. Dalawang poso ang naitayo, ang isa ay nakakabit sa mababaw na aquifer, at ang isa naman ay nakakabit sa mas malalim na aquifer.
Samantala, pinasalamatan ni Mayor Vicente B. Flores, Jr. ang NWRB sa kanilang pagtatayo sa kauna-unahang groundwater monitoring well sa Munisipalidad ng Oton.
Ayon kay Atty. Juan Corpuz ng NWRB, “ang monitoring wells ay gagamitin upang ma-monitor ang lebel ng tubig sa aquifer at para makita ang kalidad ng groundwater. Magagamit din ito ng mga mag-aaral sa kanilang pananaliksik o kaya ay para sa kanilang paglalahad sa kahalagahan ng groundwater maging ang katangian ng aquifer.”
Bago matapos ang pagpapasinaya sa bagong tayo na monitoring wells, nagsalita si DepEd Regional Director sa publiko, kung ano ang layunin at kahalagahan nang paglalagay sa naturang aquifer sa loob ng mga campuses ng mga paaralan.
Ang pagpapasinaya sa bagong tayo na monitoring wells at ang “ribbon-cutting” sa Cambitu National High School ay dinaluhan nina Mayor Vicente B. Flores (Municipality of Oton), Atty. Juan Y. Corpuz (Division Chief of the Water Utilities ng NWRB), Atty. Jonathan P. Bulos (EMB Regional Director, Iloilo), Dr. Lilibeth T. Estoque (OIC Assistant Schools Division Superintendent, DepEd, Iloilo), Dr. Corazon P. Brown (bagong iniluklok DepEd Regional Director, Region VI), Susan Abaño, Emmie Ruales at Francis Hilarie (NWRB Staff), Principal at Staff ng Cambitu National High School, Municipal Environment and Natural Resources Officer (MENRO), Barangay Captains at Oton Public Information Affairs (PIA).
The post 2 GROUNDWATER MONITORING WELLS NAITAYO SA ILOILO CAMBITU NAT’L HS appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment