Ni Jimi Escala
GALIT ang Vilmanians sa mga taga-Comelec. Ayon sa kanila, hindi makatarungan ang statement ng Comelec tungkol kay Batangas Gov. Vilma Santos-Recto.
Tama ba naman dapat daw na bakantehin ni Ate Vi ang puwesto niya dahil sa sinasabi nilang ‘failure to submit SOCE’ (statement of contributions and expenditures)?
Sa text message sa amin ni Ate Vi, binanggit niya na tinupad niya ang naturang batas, na kailangan niyang magsumite ng SOCE one week pagkatapos ng election.
Dagdag niya, may tatak pa na na-receive na ng naturang ahensiya ang mga dokumento na nai-file niya bago pa man sumapit ang deadline.
“Sumablay na naman ang Comelec na ‘yan. Dapat sa kanila palitan na at hindi na dapat manungkulan sa ahensiya. Tiyak na may motibo ang ginagawa nilang ‘yan,” sabi sa amin ng isa sa mga opisyales ng Vilma Santos Solid International (VSSI).
Dagdag pa ng fans, hindi ang aktres ang dapat na pagtuunan nila ng pansin dahil kilalang responsible ang Star for All Seasons. Totoo naman kasi na pagdating sa disiplina bilang pulitiko, numero uno pa rin si Gov. Vi.
“Ang hirap sa kanila gusto lang siguro nilang magpakontrobersiyal kaya si Ate Vi ang ginamit nila. At isa pa, si Ate Vi ay malaki ang posibilidad na tatakbo sa mas mataas na posisyon. Kaya siguro nangangatog sila ngayon pa lang at gusto na nilang sirain ang magandang ehemplo ni Ate Vi as politician,” hirit ng isa pang nagmamahal sa aktres.
“Sa totoo lang, napakaprogresibo na ng Batangas at lalong nakilala ang probinsiya dahil kay Ate Vi. Kaya marami ang naiingit sa kanya. Sige, tanggalin nila si Ate Vi, tiyak isang malaking rally ang mangyayari,” sey pa ng pangulo ng VSSI.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment