Tuesday, December 3, 2013

Singil ng Meralco tataas ng P2.50/kWh

BUKOD sa sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) at petrolyo sumabay din sa pagtataas ng singil sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan.


Kinumpirma ni Meralco External Communications Head Joe Zaldarriaga, na P2.00 hanggang P2.50 ang itataas nilang singl sa kada kilowatt hour (kWh) o katumbas ng P500 pagtaas sa buwanang bill.


Magtataas ng singil ang Meralco dahil gagamit anila sila ng mataas na uri ng diesel bilang panggatong sa mga plantang pinagkukunan nila ng kuryente.


Tiniyak naman ng Meralco na agad nilang ibababa ang singil pagsapit ng Pebrero.


Kasabay nito, pakiusap din ng Meralco na kung hindi rin lang kailangan ay siguraduhing nakapatay ang mga ilaw at iba pang appliances na nasa bahay.


The post Singil ng Meralco tataas ng P2.50/kWh appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Singil ng Meralco tataas ng P2.50/kWh


No comments:

Post a Comment