Friday, December 27, 2013

SAN ANTONIO, INILAGLAG ANG DALLAS


Duncan, Green, pinangunahan ang pananalasa ng Spurs laban sa Mavericks


DALLAS (AP) – Hindi na mabilang ang mga pamamayani ni Tim Duncan sa crunch time sa paglalaro sa ilalim ni Gregg Popovich sa loob ng 17 season.


Akma naman si Danny Green, nasa kanyang ikaapat na season sa San Antonio Spurs, sa sistema ng koponan.


Hindi sumablay si Green sa kanyang 22-point performance na tumulong sa Spurs na matalo ang Dallas Maverics, 116-107, kahapon.



Sinamantala ang huminang frontcourt ng Dallas, nagtapos si Duncan na may 21 puntos at 13 rebounds para sa kanyang ika-10 double-doouble ngayong season at ika-768 sa kanyang career.


”Danny Green was on fire from 3, and we were able to build up a little lead and hang on,” sabi ni Popovich.


Si Green ay nag-umpisa sa 26 ng 30 laro ng Spurs ngayong season, at hindi siya hinugot mula sa bench hanggang sa huling 3 1/2 minuto na lamang ang natitira sa unang quarter ng laro.


Isang minuto pagkatapos, tatlong free throw ang kanyang ipinasok upang itabla ang laro sa 18-18. Hindi na muling naghabol ang San Antonio. Tinapos ni Green ang laro na 7-for-7 mula sa field, kabilang ang limang 3-pointer. Umiskor siya ng 11 puntos sa ikalawang quarter.


”I got into a little rhythm going to the free throw line,” ani Green. ”They just kept finding me when I was open. It got easier when we got some stops and steals and in transition. That’s how I get most of my open looks.”


Animo tangay na ng Spurs ang panalo tangan ang 100-85 na abante, ngunit nagkaroon ng 12-0 run ang Mavericks upang tapyasin ang depisito sa tatlong puntos, may 3:55 natitira.


Sa sumunod na apat na pagpunta ng San Antonio sa kabilang dulo ng court, nakaiskor si Duncan ng tatlong basket at ipinasa kay Green ang bola para sa isa pang 3-pointer at 110-103 na kalamangan.


”They made their run, made some turnovers and got back into the game, but we were able to make some good plays, pick and roll, got them to suck in one time and got it out to Danny,” ani Duncan. ”Danny knocks down a big 3 or us. Good execution down the stretch.”


Mas naging impresibo para kay Popovich ang naging trabaho ni Duncan sa depensa.


”He was tremendous at the defensive end, he was changing shots, blocking shots, rebounded and he really protected the rim for us tonight.”


Sumangayon dito si Tony Parker, na umiskor ng 23 puntos para sa Spurs, at sinabing malaki ang nagawa ng kanilang depensa sa huli.


”They had a pretty good zone. We struggled for a couple of possessions,” sambit ng point guard ng Spurs. ”At the end, we got it back and we got the stops that we needed to win the game.


Nanguna si Dirk Noqitzki sa Dallas sa kanyang 25 puntos, habang umiskor si Monta Ellis ng 23, kabilang ang siyam sa nasabing 12-0 run. Si DeJuan Blair ay nagtala naman ng 14 puntos at 11 rebounds.


Resulta ng ibang laro:

Atlanta 127, Cleveland 125 (OT)

Houston 100, Memphis 92


.. Continue: Balita.net.ph (source)



SAN ANTONIO, INILAGLAG ANG DALLAS


No comments:

Post a Comment