Wednesday, December 18, 2013

SAKUNA SA SKYWAY

MARAMI pang sakuna ang magaganap sa Skyway.

Pero maiiwasan ito kung ipagbabawal na ang mga pampasaherong bus sa naturang tulay.


Kaskasero ang mga bus driver hindi lamang sa Skyway kundi mismo sa unelevated portion ng South Expressway.


Naiwasan din sana ang mga ganitong sakuna kung itinaas man lamang sana ang railway o rampa para hindi nahulog sa tulay ang mga sasakyang ito.

Wala sanang mga buhay na nalagas kung nagpapatrol lamang nang tama ang mga pulis ng Skyway at Slex.


Nang mangyari ang pagkahulog ng Don Mariano Bus ay wala ni isang patrol car sa kahabaan ng Skyway.


Mayroon ngang CCTV pero wala namang nag-o-operate at nagmo-monitor kung may paglabag na nangyayari sa lugar na ‘yan.

‘Yan ang problema sa mga CCTV.


Ang nakawan sa SM North Edsa ay isang maliwanag na example. May CCTV nga sa bawat sulok ng gusali pero wala namang personnel na nagbabantay.


Kay rami ring krimen na nagaganap maski na naglipana ang mga camera o CCTV.

Paano nga ay ‘pag tapos na ang krimen o sakuna lamang pinanonood ang laman ng CCTV.


Nag-umpisa sa Magallanes Village ang biyahe ng bus na Don Mariano at dahil walang patrol o guwardiya man lamang sa kahabaan ng Skyway ay naging malakas ang loob ng driver na mag-overspeed.


Nilagpasan niya ang isang kotse na may speed na 80kph ayon sa speed limit at sa isang iglap ay nahulog ang bus sa kalye at nasawi agad ang 18 na pasahero.


Bumagsak ang bus sa isang closed van at isang motorsiklo.


Nangyari ito sa ganap na alas-singko ng umaga.

Imagine mo na lang kung alas siyete ng hapon nangyari ito, tiyak na doble pa ang napatay ng bus na ito.


The post SAKUNA SA SKYWAY appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



SAKUNA SA SKYWAY


No comments:

Post a Comment