Tuesday, December 3, 2013

RECONSTRUCTION CZAR (2); TALAMAK NA “VK” NI GENABE

burdado- jun briones MARAMING transaksyon sa loob ng Palasyo ang hindi nakararating sa kaalaman nating mga dugyot.


Gaya sa masinsinang sabwatan, este, pag-surrender ni Napoles kung paano siya bibigyan ng VIP treatment basta ang kanyang sasabihin ay naaayon lang sa kumpas ng dilawan.


Hindi rin natin alam kung paano niluto sa Palasyo ang panggigipit kay Pacman at maging ang pagsakripisyo kay Biazon!


Dito naman sa pagtalaga kay Ping Lacson na mamahala sa “rehabilitation” ng mga naapektuhan ni Yolanda . . .


PNoy: “Alam mo Ping, masyado nang nawawasak ang aking pamahalaan dahil d’yan sa pangarap ni Mar na maging presidente sa 2016? Hindi ko lang masupalpal dahil sa utang na loob sa tulong niya noong election. Pero sa survey ay wala siyang panalo kaya sayang lang ang magiging sakripisyo ng administrasyon ko. Alam mo na ang ibig kong sabihin?


Kapag umepal pa uli ay sungalngalin mo na ha para matauhan at nang manahimik na lang sa isang sulok! Syanga pala, maging si Dinky (Soliman) ay sobra na ang bantot sa isyu ng relief goods, halibasin mo na rin. Kung kinakailangan ay ilabas mo na uli ang pagiging “basagulero” mo para makabawi naman ang administrasyon ko!”


PING: “Yes Mr. President.”


PNoy: “One last word, tigil-bangayan muna kayo ni Leila (De Lima) ha, magagamit pa natin siya eh.”


PING: “Yes sir.”


Pwedeng mangyari parekoy, ‘di ba? Hak, hak, hak!


-o0o-


SAKOP ng Manila Police District, maliban sa Station 4, lahat na halos ng kanto’t sulok ng Maynila (termino ni kuyang Nats) ay nalatagan na ng video karera ng tinaguriang “VK Queen” (Video Karera) na si Gina, asawa ni Ronnie Gutierrez.


Ang nasabing mga makina na nagsasampa araw-araw ng sandamakmak na pera kay VK queen Gina at sa kanyang mga kasabwat ay nagkalat simula sa barangay ni Vice Mayor Isko Moreno hanggang sa may tungki ni Mayor Erap!


Kung maniniwala ako, pare koy, na walang tinatanggap mula kay Gina itong si MPD Dir. C/Supt. Isagani Genabe, Vice Mayor Isko Moreno at Mayor Erap Estrada ay gago ako!


At kung sasabihin din nina Erap, Isko at Genabe na hindi nila alam itong nagkalat na VK ni Gina ay lalo namang tanga sila!


Ang mabuti ho niyan Gen. Genabe ay ipadamba mo na ang mga makinang ‘yan para naman pare-pareho tayong makaligtas sa pagiging gago at tanga!


Hak, hak, hak!


Gets mo? Go!


The post RECONSTRUCTION CZAR (2); TALAMAK NA “VK” NI GENABE appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



RECONSTRUCTION CZAR (2); TALAMAK NA “VK” NI GENABE


No comments:

Post a Comment