Friday, December 20, 2013

Rañola at Amit sumampa sa semis

SA kalagitnaan ng laban ay kamuntikan ng mag collapse si Iris Rañola kaya naman kinabahan ang mga Pinoy delegates at fans dahil abante siya ng 5-2.


Dali-daling pumunta sa comfort room si Pinay cue artist na si Rañola para magsuka.


Pagbalik nito sa lamesa ng bilyaran ay tumumbok ito ng dalawang panalo upang kaldagin si Thandar Maung, 7-2 sa quarterfinals ng women’s singles 10-Ball sa nagaganap na 27th Southeast Asian Games sa Nay Pyi Taw, Myanmar kaninang umaga.


Dumiretso sa clinic ng billiards hall of the Wunna Theikdi Stadium si Rañola pagkatapos ng laro kasama ang kanyang coach na si Efren Reyes para magpahinga.


Sa initial diagnosis ay stress ang sanhi ng kanyang panghihina at pagsusuka.


Pumasok din sa semifinals si reigning women’s 10-Ball queen Rubilen “Bingkay” Amit matapos pagpagin si Nywe Nywe Hlaing, 7-1, ng host country.


Makakasargohan ni Amit sa semis ang mananalo sa pagitan nina Huyen Thi Ngoc ng Vietnam at Amornart Uamduang ng Thailand.


Samantala, nagkampeon si Dennis “Robocop” Orcollo sa men’s singles 10-ball pool matapos pisakin sa finals ang teammate na si Carlo Biado.


The post Rañola at Amit sumampa sa semis appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Rañola at Amit sumampa sa semis


No comments:

Post a Comment