SINO itong singer/actress na mahilig magtago tuwing araw ng Pasko sa mga bading na reporters?
Ayon sa isang bading na kolumnista ng isang magazine, nagpunta raw sila last year ng Disyembre 25 sa bahay ng singer/actress na laging bigo sa pag–ibig para mamasko. Sad to say, luhaan ang mga bading na reporters. Ang masakit pa nito, nakita nila ang ina ng singer/actress na pasilip-silip sa bintana.
Hindi na lang daw kasi sabihing ayaw nilang magbigay ng pamasko, mas okay pa.
Ang masakit nito, madalas naman daw nilang masulat ang nasabing singer/actress sa kanilang mga column. Mabuti nga raw sana kung tinitira nila ito. Ang nasabing singer/actress ay maganda na bansot at galing sa isang singing contest ng isang sikat na TV network.
Nagtataka ako sa grupo ng mga bading sa showbiz na nagbibigay kuno ng award pero ang intensiyon nila ay makapangraket nang husto sa mga artista at politiko.
‘Yung presidente nila ay pumunta sa Congress at kinausap ang isang congressman buhat sa Visayas. Nang araw na ‘yon, nandoon ang inyong lingkod. Tinanong ako ng congressman na kaibigan ko kung tama raw ba na magbigay siya ng pera kapalit ng paglabas niya sa telebisyon para mag-abot lamang ng award sa mananalong best actress.
Ang presyo ay tumatagingting na 50,000.00 pesos. Sinabihan ko ang kaibigan kong congressman na huwag patusin ang proposal ng presidente. Ang 50,000.00 pesos ay maraming publicity at exposure sa telebisyon ang magagawa nito. Kaya hayun, luhaan ang presidente, binigyan na lamang siya nang pamasko na 1,000 pesos.
&&&&&
MGA Dabarkads! Makisaya sa isang espesyal na Sabado na siguradong magpapasaya sa inyong lahat, kasama ang mga Dabarkads dito sa nag-iisang paboritong kasalo ng inyong tanghalian, ang EAT BULAGA! EAT’S a One Big Happy Family with Dabarkads Allan K., Ruby Rodriguez and Baby Poleng. Kaya tutok kayo sa number one noon time show, Eat Bulaga.
The post Presidente ng isang samahan ng mga bading, nangraraket sa Kongreso appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment