WALA talagang kabalak-balak si Pangulong Benigno Aquino III na buhayin at i-prayoridad ang Charter Change kahit na ang kapartido na nito sa Liberal Party (LP) na si Speaker Feliciano Belmonte Jr., ang nagpahayag na kasama sa mga prayoridad na tatalakayin sa Kamara sa 2014.
Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) na walang nakikitang dahilan ang Pangulong Aquino para amiyendahan ang Saligang Batas.
“When the President visited Korea last October, he reaffirmed his position that the administration has no plan to revise the Constitution. He has consistently maintained that economic restrictions in the Constitution are not detrimental in attracting foreign investments,” anito.
Nakatuon aniya ang kanilang pansin sa implementasyon ng mga pangunahing programa sa ilalim ng Philippine Development Plan na isang instrumental sa nakakamit ng bansa na consistent na high growth rates para sa nagdaang 7 quarters.
Nauna rito, sinabi naman ni Cong. Belmonte na isusulong niya ang ChaCha kahit na anuman ang mangyari.
Muling magbubukas ang sesyon ng Kongreso sa Enero 20, 2014 matapos ang Christmas break.
Umaasa si Belmonte na maipapasa nila ang panukalang batas sa unang bahagi ng 2014.
Sa kabila nito, tiniyak ni Belmonte na itutuon lamang nila sa economic provisions at hindi kasama ang isyung pulitikal sa mga babaguhin bahagi ng Saligang Batas.
Umaasa rin ang lider ng Kamara na makukumbinsi pa rin nila si Aquino na magbago ng paninindigan tungkol sa Charter change.
Ipinaliwanag ni Belmonte na ang bawat probisyon na babaguhin sa Saligang Batas ay maaprubahan kapag nakuha ang three-fourth votes ng mga kasapi ng dalawang kapulungan ng Kongreso (Kamara at Senado).
Magkakaroon din ng hiwalay na botohan ang mga kasapi ng Kamara (mga kongresista) at Senado (mga senador).
Kabilang sa mga probisyon na matatalakay sa ChaCha ay ang ownership at exploration sa kalupaan, mga likas-yaman at negosyo — kasama na ang media at advertising.
Partikular na nais baguhin ng ilang mambabatas ay 60-40 equity proportions sa sosyo ng mga Pinoy at dayuhang namumuhunan, at payagang makapag-may ari ng lupa ang mga dayuhang negosyante sa bansa.
The post PNoy walang balak na galawin ang ChaCha appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment