Thursday, December 19, 2013

Palayan sa S. Cotabato, walang patubig

ISULAN, Sultan Kudarat – Nagpahayag ng pangamba ang mga magsasaka sa mga bayan ng Banga, Surallah, Sto. Nino at Norala sa South Cotabato kaugnay ng kawalan ng tubig ng kanilang mga sakahan, na kritikal ngayong nalalapit na ang pag-aani.


Nangangamba ang mga magsasaka na mauwi sa wala ang 1,337-ektarya ng aanihing palay na kanilang pinagpaguran kapag hindi nasolusyunan ang problema, partikular na tinukoy ang nasira na malaking irrigation canal na nagseserbisyo sa nasabing sakahan.



Samantala, tiniyak naman ni Administrator Orlando Tebag, ng National Irrigation Administration (NIA) sa South Cotabato at Sarangani, na nagsasagawa na ng sand bagging sa nasirang bahagi ng kanal upang maayos ang problema ng mga magsasaka. – Leo P. Diaz


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Palayan sa S. Cotabato, walang patubig


No comments:

Post a Comment