Kinatigan ng Court of Appeals (CA) ang desisyon ng Office of the Ombudsman na kasuhan ang ilang opisyal ng Bureau of Customs (BoC) dahil sa importasyon ng mga produktong gatas na kontaminado ng melamine.
Sa 15-pahinang desisyon na isinulat ni Associate Justice Pedro Corales, kinatigan ng CA ang desisyon ng Ombudsman na sibakin sa serbisyo sina Custom examiner Dante F. Crisostomo at Kamad M. Noor dahil sa grave misconduct at pagpataw ng tatlong-buwang suspensiyon kina Paulita L. De la Cruz, Taha H. Cali, Ruben R. de Rama at Felicisimo M. Javier sa simple neglect of duty.
Nanindigan ang CA na walang nilabag ang Ombudsman sa due process dahil binigyan ng pagkakataon ang mga respondent na maihayag ang kanilang panig.
Sinuportahan din ito nina Associate Justice Sesinando E. Villon at Agnes Reyes-Carpio.
Ayon sa record ng CA, nag-ugat ang kaso laban sa mga opisyal ng BoC Entry Processing Unit at Formal Entry Division nang mag-angkat ang Fly Ace Corporation ng produktong gatas na walang certificate of product registration (CPR).
Iniangkat ng Fly Ace ang Jolly Cow Pure Fresh Milk at Jolly Slender High Calcium subalit ang una lang ang may CPR.
Sa kabila ng kawalan ng CPR, pinayagan ng BoC na makalabas ang mga produktong gatas sa merkado na nagresulta sa paghahain ng reklamo laban sa mga customs official. – Leonardo D. Postrado
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment