MALUWAG na tinanggap ni Pangulong Benigno Aquino III ang pagbibitiw sa puwesto ni Customs Commissioner Rozzano Rufino B. Biazon matapos magsumite ng kanyang irrevocable resignation kanina lamang.
Sa isang kalatas, sinabi ng Chief Executive na nagkita at nagkausap sila ni Biazon kanina at personal na iniabot sa kanya ang kanyang resignation letter.
“In his letter to me, and in our conversation, he explained that it would be best to provide the Secretary of Finance the widest leverage and flexibility to steer the future direction of the Bureau of Customs, in light of the controversy brought about by Commissioner Biazon’s inclusion in the complaint of the National Bureau of Investigation before the Ombudsman,” ayon kay Pangulong Aquino.
Binigyang diin aniya sa kanya ni Commissioner Biazon na ang tamang gawin ay ang idepensa ang kanyang sarili nang hindi nako-kompromiso ang kanyang mga nakaraang record bilang BoC Commissioner at ang kanyang ginawang pag-reporma sa ahensiya.
Kinonsidera rin aniya ni Biazon na proteksyunan ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang mga anak mula sa matinding epekto ng kontrobersiyang ito.
Binigyan naman ng isang linggo ni Pangulong Aquino hanggang sa katapusan ng linggo o hanggang sa Disyembre 8, 2013 upang ayusin ni Biazon ang kanyang trabaho sa BoC para sa paglilipat sa sinumang papalit sa kanya.
“I thank him for his years of service to our administration and the nation. I wish him nothing but the best as he returns to private life,” diing pahayag ng Pangulong Aquino.
The post Pagbibitiw ni Biazon, tinanggap ni PNoy appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment