Nananawagan ang Embahada ng Pilipinas sa Riyadh sa mga Pinoy sa lahat ng lungsod at rehiyon sa Yemen na mag-update ng kanilang registration/rekord sa Embassy.
Maaaring i-download ang registration form sa website ng embahada at ipadala sa email address na ofwsinyemen@gmail.com.
Naghahanap din ang Embahada ng volunteer coordinators para sa mga nagtatrabaho sa mga lungsod sa labas ng Sana’a at sa mga kumpanya at establisimiyento kung saan naroon ang mga Pilipino.
Para magparehistro bilang coordinator, tumawag kina Vice Consul Winston Almeda (+967 735 275 791), Labor Attaché David Des Dicang (+967 737 052 001), Mr. Mohammed Saleh Al Jamal, Honorary Consul ng Philippine Consulate in Sana’a, Hadda Area – Damascus St. P.O. Box 1696 – Sana’a, Yemen (+967 1 416751) (Fax +967 1 418254) (+967 777 2 555 11) o mag-email sa honconsanaa@philembassy-riyadh.org.
Itinaas ng Department of Foreign Affairs sa crisis alert level 3 sa Yemen noong Disyembre 10 kasunod ng pag-atake ng terorista sa Defense Ministry Complex sa Sana’a, Yemen na ikinasawi ng pitong Pinoy health workers at ikinasugat ng 29 pa. – Bella Gamotea
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment