Friday, December 20, 2013

Noturyus, patay sa pakikipagbarilan

Napatay ang isang notoryos na lider ng gun-for- hire at robbery group na kumikilos sa Western Visayas matapos manlaban sa pulisya sa lalawigan ng Iloilo noong Miyerkules ng umaga.


Isinisilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest nang makipagbarilan sa kanila ang suspek na si Eliseo Mabayag alyas “Magkal”, sa Bgy. Rosario, Dumangas, Iloilo.



Si Mabayag, wanted sa pagpatay sa isang jailguard sa Badiangan, Iloilo at suspek sa panghoholdap sa ilang lending collectors sa lalawigan, ay agad na nasawi nang tamaan ng bala sa dibdib. Nasamsaman sa kanya ang KG9 at .45 caliber pistol. – Fer Taboy


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Noturyus, patay sa pakikipagbarilan


No comments:

Post a Comment