Ni Leonel Abasola
Aminado si dating Senador Panfilo Lacson na mahirap pero kayang gawin bago matapos ang termino ni Pangulong Benigno S. Aquino III para gampanan ang kanyang bagong tungkulin bilang “rehabilitization czar” sa lugar na nasalanta ng mga kalamidad.
Ayon kay Lacson, ito rin ang naging tugon ng mga eksperto na kanyang nakausap kung tungkol sa pagsasagawa ng rehabilitasyon ng sinalanta ng bagyong “Yolanda.”
“Doable. They said it will be very hard but doable. The important word for me is ‘doable’. It is a huge challenge but when you see the destruction even on television, you will feel disheartened and a desire to help,” ayon kay Lacson sa isang pulong-balitaan.
Sinabi pa ni Lacson na masaya na siya sa kanyang pagretiro nitong 2013, pero na alukin siya ni Pangulong Aquino, nakita niya ang pangangailangan ng kanyang serbisyo kaya tinanggap na niya ang alok na posisyon.
Aniya, inaasahan na din niya ang maraming pagbatikos at puna kaugnay sa kanyang bagong trabaho, pero iginiit nito na sanay naman na siya sa mga kritisismo.
“Maraming trabaho at maraming batikos ito,” dagdag pa ni Lacson.
Hinalimbawa pa nito ang usapin ng mga pag-aari ng lupa dahil karamihan sa mga landmark o mohon nito ay nawala na at di maiwasan na may mga mananamantala.
“Kung walang titles ng lupa at wala na ang mohon, how will you establish ownership of land there? What I did was I went to the head of the [Land Registration Authority] and asked about the computerization. I know that will be the biggest challenge. How can you restore houses and government buildings if you don’t know the owners of the land,” paliwanag pa nito.
Ngayon pa lamang ay binalaan na ni Lacson ang mga pulitiko sa posibilidad na samantalahin ang bilyun-bilyong pondo para sa rehabilitasyon.
“Bahala sila pero mayroon naman batas na puwede sila pananagutin. Meron tayong Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Meron tayong plunder. Bahala sila, “Dapat zero waste ang pondo…I want to be consultative. May harmony, walang away,” paliwanag pa nito.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment