Tuesday, December 17, 2013

Magkapatid na senglot nagbarilan sa Ilocos

KAPWA sugatan ang magkapatid na nagbarilan matapos malasing sa Brgy. Lubigan, Badoc, Ilocos Norte.


Kinilala ang dalawa na sina Pastor Mexia at Virgilio Mexia.


Lumalabas na nakakarami na ng inom ng alak ang dalawa nang magkapikunan sa kanilang pinag-uusapan hanggang sa magsilabas ng baril at nagbarilan ang mga ito.


Tinamaan sa braso si Pastor habang sa tagiliran naman si Virgilio, pawang ginagamot na sa pagamutan.


The post Magkapatid na senglot nagbarilan sa Ilocos appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Magkapatid na senglot nagbarilan sa Ilocos


No comments:

Post a Comment