Sunday, December 1, 2013

Labor groups: ‘Wag pagsamantalahan ang ‘Yolanda’ victims

Binalaan ng mga grupong manggagawa ang pamahalaan laban sa pananamantala sa mga empleyado mula sa mga lugar na nasalanta ng bagyong “Yolanda” tulad ng pagbabawas sa kanilang sahod at benepisyo.



Ito ang naging pahayag ni Federation of Free Workers (FFW) President Sonny Matula matapos lumabas ang mga ulat na posibleng makatanggap lamang ang mga naapektuhang manggagawa ng 75 porsiyento ng kasalukuyang minimum wage sa kani-kanilang rehiyon base sa isinusulong na cash-for-work scheme ng National Economic Development Authority (NEDA).


Aniya, ilegal ang ganitong hakbang at maaaring maimbestigahan ang gobyerno sakaling ito ay mangyayari. “Not giving the minimum wage will only make workers in the Visayas victims all over again and will expose government as an exploiter of workers’ rights,” sabi ni Matula.


“If the reports are verified, government needs to explain why it would not give the full wage due the workers,” dagdag niya. Sinuportahan ng Kilusang Mayo Uno (KMU) Chairman Elmer Labog ang pahayag ng FFW. Sa halip na bawasan ang sahod ng mga typhoon victim, giit ni Labog na dapat pang dagdag ito ng gobyerno.


Aniya, ang kasalukuyang minimum wage sa mga rehiyon na nasalanta ni “Yolanda” ay hindi sapat para sa mga pangangailangan ng biktima ng kalamidad.


“The “cash-for-work” scheme being offered by the United Nations and the Aquino government to the survivors of supertyphoon Yolanda is not enough to provide immediate relief to the survivors and bring about long-term development in the affected areas,” paliwanag ni Labog.


Dapat din aniyang madaliin ng gobyerno ang rehabilitasyon ng mga nasalantang lugar at isulong ang kanselasyon ng mga utang ng mga biktima ng kalamidad. – Samuel Medenilla


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Labor groups: ‘Wag pagsamantalahan ang ‘Yolanda’ victims


No comments:

Post a Comment