Tuesday, December 17, 2013

Kilalang TV host, kasabwat ng blogger sa paninira sa mga artista

NASA hot water ngayon ang kilalang blogger dahil sa hakbang na ginagawa ng mga kasamahan nito sa trabaho para patalsikin siya sa kanyang trabaho.

Hindi raw magandang halimbawa sa kanyang mga kasama ang patuloy na paninira nito sa mga artista, at kinasasabwat pa umano ang ilan sa mga kasamahan nito para maghagilap ng tsismis na puwedeng maisulat sa kanyang blogsite.


Ang matindi pa nito, ang kilalag TV host ay isa rin pala sa nagpi-feed sa tsikadorang blogger kaya nakakukuha ito ng mga exclusive news, ngunit ang masama nga lang nito ay karamihan daw sa mga ibinubulong sa kanya ng host ay pawang paninira sa mga taga-showbiz.


Nagiging outlet daw ng huli ang blog ng baklita sa tuwing ito ay merong atistang sisirain. Kaya hindi rin nakapagtatakang pati ang dirty secrets ng mga public at government official ay nalalaman din ng bading na ‘to.


So, alam n’yo na kung sino itetch? Hehehe!


***


COCO AT SUSAN, BALIK-TV DAHIL SA “WANSAPANATAYM.”


MAPAPANOOD muli sa telebisyon bilang maglola ang Teleserye King na si Coco Martin at Queen of Philippine Movies na si Susan Roces, ngayong Sabado (Disyembre 21) para sa “Wansapanataym Christmas Special.”


Gagampanan ni Coco sa ‘Simbang Gabi’ episode ang karakter ni Caloy, isang pulis na mapipilitang alagaan ang kanyang Lola Fenny (Susan) na isa namang deboto ng Simbang Gabi. Sa tulong ng isang mahiwagang bituin, unti-unting makukuha ni Caloy ang kanyang mga hiling, kabilang ang inaasam na promotion sa trabaho.


Ngunit, dahil sa pagiging abala para sa kanyang ambisyon, magiging malaking sagabal para kay Caloy ang pag-aalaga sa kanyang lola.

Pahagalahan na kaya ni Caloy ang kanyang Lola Fenny sa sandaling malaman niya ang sikreto sa walang mintis na pagsi-Simbang Gabi ng matanda?

Ang ‘Simbang Gabi’ episode ay sa ilalim ng direksyon ni Malu Sevilla. Huwag palampasin ang Christmas special ng 2013 Anak TV Seal Awardee, “Wansapanataym”, ngayong Sabado, 6:45pm, pagkatapos ng “Bet On Your Baby” sa ABS-CBN.

Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.


***


For comments, suggestions & news feed, text me at 09234703506/09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 2-3 p.m, Monday to Friday. Mabalos!


The post Kilalang TV host, kasabwat ng blogger sa paninira sa mga artista appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Kilalang TV host, kasabwat ng blogger sa paninira sa mga artista


No comments:

Post a Comment