Sunday, December 29, 2013

Kapitan ng barangay dakip sa shabu

PLANTED o talagang gumagawa ng kailigalan?


Ito ngayon ang inaalam ng awtoridad makaraang makuhanan ng shabu sa loob ng bahay ang isang kapitan ng barangay sa Bo. 2, Banga, South Cotabato matapos salakayin ang kanyang bahay.


Pero iginiit ni Chairman Bobby Delalamon na kahina-hinala ang isinagawang pagsalakay sa kanyang bahay lalo at ang nag-report aniya sa kanyang kailigalan ay isang nagpakilalang residente ng Bo. 2 pero wala namang nakakakilala sa kanya kahit isa sa mga residente sa lugar.


Wala rin sa listahan ng botante ang sinasabing impormante.


Gayunpaman, iniimbestigahan pa rin ng pulisya ang insidente.


The post Kapitan ng barangay dakip sa shabu appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Kapitan ng barangay dakip sa shabu


No comments:

Post a Comment