Wednesday, December 18, 2013

Kaabang-abang si KC Concepcion sa Boy Golden!

SABI ni KC Concepcion nu’ng press conference kamakailan para sa pelikula nila ni Jeorge Estregan na Boy Golden, nakilala n’ya ‘yung isa sa mga anak (o apo ba?) ng pumatay kay Boy Golden na Arturo Porcuna ang tunay na pangalan.

May isa pa siyang nabanggit na may kinalaman kay Boy Golden in real life. Pero tapos na raw siyang magsyuting nu’ng nakilala n’ya ang mga ‘yon.


Sayang, hindi na-explore nu’ng presscon ang pagtatapat na iyon ni KC. Unfortunately, at the time of the presscon, hindi pa namin nababasa ‘yung flyer kung saan nakalagay na isa pala si Deborah Sun sa cast ng pelikula. Kung hindi n’yo pa alam, pamangkin si Deborah ni Boy Golden in real life. Si Baby Porcuna ang ina ni Deborah, na ang ama naman ay ang yumaong director-producer na si Leroy Salvador. Kapatid ni Boy Golden si Baby Porcuna at si Baby ‘yung pinapatungkulan sa pelikulang ‘Hindi Iyo ang Mundo, Baby Porcuna’ na idinirek ni Danny Zialcita nu’ng 1978 (at nagpanalo ng Best Actress sa Gawad Urian sa noon ay sumikat na si Beth Bautista, na naging mistress ng ama ni Aga Muhlach na si Cheng).


Kung nabasa namin agad ‘yung flyer (o ‘yung tarpaulin na nakadispley sa Zirkoh bar bilang backdrop para sa presscon), at napag-alaman namin na kasama si Deborah sa cast, naitanong sana namin nu’ng presscon kung bakit hindi pinapunta si Deborrah du’n para magbigay liwanag tungkol sa buhay ng angkan n’ya sa ina.


Actually, noon pa namin alam na anak si Deborrah ni Baby Porcuna na isang dancer (ewan lang kung stripper din) sa Manila Grand Opera House noon. Pero nu’ng presscon lang din namin napag-alaman na si Boy Golden pala mismo ay dance instructor sa Opera House bago siya naging gangster.

Nag-Google kami tungkol sa kanya bago namin isinulat ang kolum na ito, at nakita namin ang isang litrato n’ya sa isang news clipping tungkol sa kanya. Guwapo pala talaga siya. Tisoy. At ayon sa mga comment sa isa sa mga nakita naming entries about Boy Golden, lagi raw itong nakaputi at laging posturyoso maski na nu’ng gangster na siya.


Girlfriend ni Boy Golden ang role ni KC na ang pangalan in real life ay Marla Dee. Parang babaeng gangster din ang babaeng ‘yon. Sa news reports tungkol sa pagkakapatay kay Boy Golden ng mga kalaban n’yang gangsters din, nasa kabilang kuwarto lang si Marla at ang kapatid n’yang si Anita nu’ng napatay si Boy Golden at dalawa pa n’yang kasama na umano’y bagong recruit lang sa gang n’ya.


Actually, may survivor sa massacre na ‘yon, isang Antonio Razon, na later on ay napabalitang naging boyfriend din ni Baby Porcuna.


Bisperas ng Pasko nu’ng 1963 nang napatay si Boy Golden sa isang apartment sa Mandaluyong–habang siya at ang mga kasamahan n’ya ay nagbubukas ng mga regalong natanggap nila.


So, gangster din nga ang role ni KC. Gangster na sumasayaw. Apparently, dancer din ‘yung Marla. Sabi nga ni KC nu’ng presscon, dance number ‘yung first-day shooting n’ya. At ‘yung last day, dance number pa rin. Ewan kung alin du’n ‘yung bibitin siya sa mga tela (for sure, may harness siya nu’ng ginawa ‘yon). Kinuha ni Chito Roño (director ng Boy Golden) ang sikat na choreographer na si Douglas Nierras para maging choreographer at personal dance coach ni KC nu’ng syuting.


May napakahabang fight scene rin daw si KC sa pelikula sa isang kapwa n’ya babae, ayon kay Direk Chito nu’ng presscon. May kinuha silang martial arts expert na hindi Pinoy na marunong umarte at makipaglaban on-camera at iyon ang nakalaban ni KC.


Bilib na bilib si ER (Ejercito, of course) kay KC sa pelikula. Aniya nu’ng presscon, ‘pag hindi nanalong Best Actress si KC sa Metro Manila Film Festival, kung saan isa nga sa entry ang Boy Golden, “nadaya siya!”


May tatlong kissing scenes nga pala sila sa pelikula, pero wala silang love scene. Hindi pa nga raw kasi handa si KC na gumawa ng love scenes.


Oo nga pala, alam n’yo bang nu’ng Abril lang nu’ng taong ito yumao si Baby Porcuna (na napag-alaman naming sa paggu-Google na Corazon pala ang tunay na pangalan)? Nakapunta pa pala siya sa States nu’ng 1990’s, nu’ng nagtatago ru’n ang anak n’yang si Deborah na idinemanda ni Lorna Tolentino kaugnay ng mga tumalbog na tseke na ibinayad nito sa mga alahas na binili n’ya sa kapwa-aktres. (Alam n’yo bang ang yumaong mister ni Lorna na si Rudy Fernandez ay gumanap din noon na Boy Golden?) Ayon sa isa sa mga comment na nabasa namin nu’ng i-Google namin ang “Baby Porcuna” dito sa Pilipinas yumao ang sumikat ding kapatid ni Boy Golden. (Ate siya ni Boy Golden.)


Oo nga pala, sa mga bata pa na mambabasa na posibleng nagtataka at nagtatanong kung bakit napangasawa ni Leroy Salvador si Baby Porcuna. Galing sa bodabil at sa Manila Grand Opera House ang mga Salvador. Ang patriarch nila ay ang yumaong producer-impresario na si Lou Salvador Sr. na maraming babaeng naanakan (at kabilang din sa mga anak n’ya ang magkakapatid na Philip Salvador at Ross Rival na ama ni Maja Salvador).


Sixties nga pala ang time setting ng Boy Golden. Parang ito lang ‘yung entry sa darating na film fest na period (or historical, in a way).


The post Kaabang-abang si KC Concepcion sa Boy Golden! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Kaabang-abang si KC Concepcion sa Boy Golden!


No comments:

Post a Comment