Ito ang pangyayaring napapaloob sa kapanganakan ni Jesucristo. Ipinagkasundo na kay Jose ang kanyang inang si Maria pero bago sila nagsama bilang magasawa, nagdadalantao na siya gawa ng Espiritu Santo… Kaya nagpakita kay Jose sa panaginip ang anghel ng Panginoon at sinabi: “Jose, anak ni David, gawa ng Espiritu Santo kaya siya naglihi, at manganganak siya ng isang lalaki, na pangangalanan mong Jesus sa pagkat siya ang magliligtas sa kanyang sambayanan mula sa kanilang mga kasalanan.” Nangyari ang lahat ng ito para matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng Propeta: Maglilihi ang birhen at magsisilang ng isang sanggol na lalaki at tatawagin nila siyang Emmanuel na ibig sabihi’y ‘Nasa-atin-ang-Diyos. ”
PAGSASADIWA
Tatawagin nila siyang Emmanuel na ibig sabihi’y “Nasa-atin-ang-Diyos.” ● Ang Diyos ay naging tao, at niyakap niya ang ating pagkatao. Siya ay Emmanuel. Siya ay kasama natin. Siya ay kaagapay natin. Sa ligaya at kalungkutan, takot at kapayapaan, maging sa ating mga pangarap at layunin sa buhay, hanggang kamatayan, kasama natin siya. Napakalaking konsolasyon ang katotohanang sa gitna ng mga hirap natin sa buhay, hindi malayo ang Langit sa atin—mismong Anak ng Diyos ang kasama na natin
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment