Sunday, December 29, 2013

IBULONG SA DIYOS

“God, be my resting place and my protection In hours of trouble, defeat, and defection.”


Narito ang isang istorya tungkol sa isang mayamang matandang lalaki na walang pakialam sa mundo. Mula nang mamatay ang kanyang kaisaisang anak na anim na taong gulang noon ay hindi na ito nakipag-usap kahit kanino maging sa kanyang misis.



Pinataasan ni Don Serafin ang palibot na pader ng kanyang mansion na bahay. May sampung taon nang walang kanakausap si Don Serafinkundi ang kanyang tsuper.


Isinara na ni Don Serafin ang kanyang textile factory sa Pasig. Ang tanging pinagkakakitaan ay iyong pagpapaupa ng mga apartment na bloke-bloke ang laki. Namana niya ito sa mayaman niyang ama.


Isang hapon ay nalubak ang magarang kotse ni Don Serefin. Pauwi na sila ni Jess, kanyang tsuper. Inutusan ng matanda si Jess upang tawagin ang kanilang dalawang maintenance men.Pauwi noon si Dulce, pitong taong gulang na bata, maganda

na ay matalino pa. Kapitbahay nina Dulce si Don Serafin.


Malakas ang ulan kaya’t nakisilong si Dulce sa loob ng kotse ni Don Serafin pagkat wala siyang dalang paying. Basang-basa si Dulce. Malakas at bigla ang buhos ng ulan. Binuksan agad ng matanda ang pinto ng kotse. Pinapasok nito si Dulce.


Noong malubak sila sa malalim na manhole na sira-sira na ay naisipan ng matanda na magdasal pagkatapos ng maraming taon. Nakangiti na si Dulce nang ibalabal ni Don Serafin ang dyaket nito. Kamukha ni Nini si Dulce. Ganoong-ganoon ang mukha ng kanyang namatay na anak.


Niyakap na malambing na si Dulce ang matanda. Marahil sa tindi ng tuwa nito pagkat nawala ang kanyang ginaw at nasilungan pa siya. Hinalikan ni Dulce ang matanda sa noo.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



IBULONG SA DIYOS


No comments:

Post a Comment