LEGAZPI CITY – Naglaan ng P35 milyon ang Albay para proteksiyunan ang cultural heritage sites nito bilang tugon sa mga aral na dulot ng mga kalamidad na halos bumura ng Visayas sa mapa ng Pilipinas.
Ayon kay Albay Gov. Joey Salceda, ang paghagupit ng mga bagyo, lalo na ng super typhoon ‘Yolanda’, at pinsalang idinulot ng mga lindol sa Visayas, lalo na sa Bohol at Leyte, ay nagsilbing “pinakamalaking aral mula sa mga nakaraang kalamidad”.
Ang P35 milyon itinabi, ayon kay Salceda, ay laan bilang proteksiyon sa mga heritage site ng Albay, kabilang ang mga sinaunang Baroque churche at Cagsawa Ruins nito, at magiging puhunan din sa pananatili nito ngayong taon.
Sinabi ni Salceda na nanlumo ang United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) experts nang mamalas ang mga lumang simbahang niluray ng Yolanda sa Visayas. “Ginawa nating prayoridad ang pangangalaga sa ating mga heritage site dahil sa bukod sa Mayon at hot springs ng Albay, naiibang yaman ang mga ito na hindi magagaya, at mahalaga sila sa pag-akit ng mga turista at mamumuhunan.”
Inihayag ni Salceda na kasalukuyang idinudokumento ng bagong tatag na Albay Historico Cultural Unit, na pinamumunuan ng premyadong manunulat na sa Abdon Balde, ang Cagsawa Ruins para sa aplikasyon nito sa UNESCO na maging cultural heritage site din.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment