Ni Jimi Escala
MALAKI ang posibilidad na matuloy ang binabalak na pelikulang pagsasamahan ni Vilma Santos at ng isang sikat na Kapamilya actress. Naiibang kuwento na hindi pa nagagawa ni Ate Vi ang project.
May movie offer din pagsasamahan nina Gov. Vi at Luis Manzano na ayon sa Star for All Seasons ay hindi pa niya matanguan dahil may marami siyang dapat unahing trabahuhin sa Batangas.
Katunayan, pagpasok ng Disyembre ay punong abala uli at nakatutok ang gobernadora para sa 432nd anniversary ng kanyang probinsiya. Simula Lunes, Dec. 2 (ngayong araw) hanggang December 8 ay punumpuno ng iba’t ibang aktibidades ang Batangas na layong lalo pang maitaas ang turismo.
Magkakaroon ng Trade Fair at Photo Exhibit sa Batangas City Sports Coliseum grounds. Pagdating naman ng alas sais ngayong gabi ay sabay-sabay na sisindihan ang naggagandahan at naglalakihang mga parol na nakapalibot sa buong Kapitolyo. May trade fair at exhibit din hanggang December 8. Sa Dec. 5 (Huwebes) ay makakaroon ng Provincial Community Park sa Capitol grounds at kinagabihan ang talent night ng Mutya ng Batangas sa Batangas City Convention Center. Kinabukasan ang coronation night ng nasabing pageant.
Ang laging pinakaaabangang “Voices, Songs and Rhythms” ay sa Dec. 7 ng gabi gaganapin sa Batangas City Sports Coliseum. Bongacious ang mga personal na iniimbitahang celebrities ni Ate Vi para magsilbing hurado ng taunang singing contest. Hindi nakatanggi sa Star for All Seasons sina Marian Rivera, Jed Madela, Myk Perez, Radha, Yayo Aguila, Jose Mari Chan, Rams David, Elmo Magalona, Marcelino Pomoy at isa pang very special guest!
Kinabukasan (Dec.
ang Immaculate Concepcion Feast Day kaya may thanksgiving mass ng alas siyete ng umaga na alay ni Gov. Vi. Susundan ito ng Festival Dance and Float Parade, foodfest at awarding ceremonies.
Well, sino kaya ang darating kina President Noynoy Aquino at si Vice-President Jejomar Binay na balitang parehong nanliligaw kay Gov. Vi para kumandidato sa mas mataas na posisyon?
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment