EXCITED na ibinida sa amin ni Gladys Reyes na sa wakas ay kasama na ang pangalan niya sa Philippine version ng Walk of Fame sa Eastwood City. Sa sobrang excitement ng aktres, isa siya sa pinakamaagang dumating kasama ang asawa at mga anak nila! Siyempre, si Kuya Germs ang punong abala.
Isa sa mga talent ni Kuya Germs si Gladys sa That’s Entertainment ng Channel 7. Is it true na may tampo siya noon kay Kuya Germs dahil hindi napasama ang pang alan niya sa Walk of Fame at mas nauna pang nabigyan ng pagpapahalaga ang mga kagaya nina David Pomeranz at Jackie Woo?
“Hindi naman tampo ang tawag. Medyo nagtatanong lang ako kung bakit hindi pa ako nasama noon. Pero ngayon okey na,”
natatawang sabi pa rin ni Chic-chic. “At least kasama naman namin sa batch si Anderson Cooper. Levelling, di ba?”
napahalakhak pang banggit ng aktres.
Samantala, pagkatapos ng Pyra ay may gagawing bagong project si Gladys sa Kapuso Network na may exclusive contract siya. Pero “secret” lang daw muna ito at ang manager niyang si Manay Lolit Solis raw ang bahala. Tuluy-tuloy pa rin ang pagiging board member ni Gladys sa MTRCB. – Jimi Escala
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment