Friday, December 20, 2013

FROM NOBODY TO SOMEBODY

PASAPORTE-BY-JR-LANGIT “SI Juan at si John, nagpunta sa isang handaan. Kumain ng marami ang negosyanteng si John at gayundin naman si Juan na isang magsasaka. Matakaw at masiba ang tingin kay Juan, dahil ‘first time’ raw makakain ng masarap, samantala magana naman ang tingin kay John.”


Pangkaraniwan ang ganitong senaryo sa ating lipunan. Maraming pagkakataong nakita at napatunayan na ‘money really talks.’ Aminin man natin o hindi, may mga pagkakataong nagiging ugat ng diskriminasyon ang pagiging mahirap ng isang tao.


Sa aking minsang pagpunta sa estado ng Hawaii, na tinatawag ding ‘Islands of Aloha’, ay nakilala ko si Justice Simeon Acoba, Jr. Sa kanyang trabaho bilang isang Supreme Court justice ay sino ba ang mag-aakalang anak siya ng magsasaka?


Tubong Ilocos Norte ang ama ni Justice Acoba Jr., samantalang ang kanyang ina naman ay mula sa Tarlac. Noong 1930’s ay nagdesisyon ang kanyang mga magulang na magtungo sa Hawaii at doon na manirahan at magtrabaho bilang mga magsasaka. Sa kabila ng kahirapan sa buhay, kakapusan sa salapi at pagiging ibang lahi, nagawa pa rin ni Justice Acoba na abutin ang kanyang mga pangarap – ang makapagtapos ng pag-aaral at maging isang abogado. Nagtapos siya ng pag-aaral sa North Western University School of Law.


“If one goes to school and tries hard enough, I think he can attend to college. I went to a public school here and I worked while studying so I think that helped,” kwento niya tungkol sa pinagdaanan niya dati.


Nang maging ganap na abogado, patuloy ang naging pagsisikap at pagpapakita niya ng dedikasyon kaya naging isa siyang trial judge, at higit niyang naipamalas ang kanyang galing at husay sa napiling propesyon. “The hardest decision came when I was a trial judge. I was a judge for a murder case. The question was whether the accused is insane. The jury said he was not insane, and there’s this one instance where I did overturn the jury and said that, no, he was insane, therefore, he had to go to the mental hospital and not to the prison,” wika niya.


Makalipas ang ilang panahon ng pagtitiyaga at pagtitiis, ang dating anak ng magsasaka na naging trial judge ay naging isa sa mga nirerespetong Supreme Court Justices sa Estado ng Hawaii sa Estados Unidos.


Para sa mga nagnanais na gaya niya’y maabot ang mga pangarap, hindi hadlang ang kahirapan sapagkat -“working hard and being committed to something you like to do is our basic ingredient for success,” wika ni Justice Simeon Acoba, Jr.


Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan overseas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa PTV-4 tuwing Miyerkules, 8:30 ng gabi. Bisitahin ang Facebook fanpage: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT.


The post FROM NOBODY TO SOMEBODY appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



FROM NOBODY TO SOMEBODY


No comments:

Post a Comment