NAKATSIKAHAN ng PMPC ang aktres na si Alice Dixson sa taping niya sa Himlayang Pilipino para sa ‘For Love or Money’. Naghihimutok siya sa isang game show na kung saan ay nanalo siya ng 100 thousand pesos na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ma-claim.
Two months na raw ‘yun pero bakit hindi pa rin nila naaayos.
Ang buong akala raw ng naturang show ay ibibigay lahat ni Alice ang napanalunan niya sa charity na napili niya. Ito ay ‘yung orphan sa Mandaluyong.
Pero sabi niya, ‘yung half ibibigay niya sa charity niya at sa kanya naman ‘yung kalahati.
Ang ikinakainis ng aktres bakit ngayon lang sinabi ng naturang game show na kailangan nila ang mga document at kung anik-anik para sa charity?
Two months na ang nakararaan, bakit ngayon lang siya hihingan? Magki-Christmas na at mas kailangan niyang i-donate ngayong Kapaskuhan pero dine-delay ng naturang game show.
Kaloka naman ‘yan!
-0o0-
KINUHA ang reaksyon ni KC Concepcion sa pagpapakasal ng kanyang ex-boyfriend na si Direk Lino Cayetano. Happy siya na finally ay nakahanap na raw si Lino ng babae na ihaharap sa dambana.
“Siguro nahanap na rin ang katapat niya. Nakahanap siya ng match para sa kanya,” sey ng leading lady ni Gov. ER Ejercito para sa filmfest entry na “Boy Golden.”
Friends pa rin daw sila ni Direk Lino after nilang maghiwalay.
Sinabi rin niya na kailangan din ni Direk Lino ng katuwang at susuporta sa kanya bilang congressman ng Taguig.
Si KC naman ay patuloy na nali-link kina Paulo Avelino, Luis Manzano at nilinaw na rin niya na drawing lang ang tsismis sa kanila ni Phil Younghusband.
Basta ngayon, ini-enjoy muna ni KC ang pagtanggap ng mga manliligaw.
Friends daw sila ni Luis at ayaw niyang lagyan ng kulay. Sa palagay niya, hindi pa siya ready na makipagrelasyon ulit dahil katatapos lang niya kay Jennylyn Mercado. Ayaw rin niya isipin na nagpapa-close si Luis ay nanliligaw na agad.
Tungkol naman kay Angel Locsin, wala naman silang away pero hindi sila close. Open din siya ‘pag mabibigyan ng chance na maging magkaibigan sila.
-0o0-
NAGPAHAYAG si Cavite vice governor sa kanyang Twitter account na hindi totoong buntis ang kanyang girlfriend na si Jodi Sta. Maria.
“This is my first and final statement regarding Jodi’s pregnancy issue. She is not pregnant and we are not yet married. What we have right now is something special, and we want to keep it private because I love her so much. Kung sakaling totoo man ‘yan, kayo po unang-unang makakaalam. Godbless.”
‘Yun na at talbog!
The post Drawing lang ang tsismis! appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment