Wednesday, December 4, 2013

DoF Usec. Sevilla bagong OIC sa BOC

ITINALAGA bilang officer-in-charge sa Bureau of Customs (BOC) si DoF Usec. John “Sunny” Sevilla.


Inilagay ni Finance Sec. Cesar Purisima bilang OIC sa BoC si Sevilla kasunod ng pagbibitiw sa puwesto ni BoC Commissioner Ruffy Biazon matapos masangkot sa multi-billion pork barrel scam.


Si Biazon ay nag-resign na agad namang tinanggap ni Pangulong Noynoy Aquino ngunit ayon sa kanya, ang kanyang pagbibitiw ay hindi nangangahulugan na guilty siya sa nasabing iskandalo.


Iginiit ng opisyal na inilaan nito ang pondo sa kanyang mga nasasakupan noong siya pa ang kinatawan ng Muntinlupa.


Gayunman ay nakahanda siya na harapin at sagutin ang mga alegasyon sa harap ng National Bureau of Investigation o sa Office of the Ombudsman.


The post DoF Usec. Sevilla bagong OIC sa BOC appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



DoF Usec. Sevilla bagong OIC sa BOC


No comments:

Post a Comment