Wednesday, December 18, 2013

Dating housemate, inanakan na binawian pa ng kabuhayan

14-anyos nang unang makipagrelasyon umano ang kilalang seksi at magandang contestant sa isang reality show sa telebisyon.


Pagkatapos ng unang relasyon daw nito sa sikat na personalidad, nagpalipat-lipat na ito sa mga kamay ng kung sino-sinong mayayamang lalaki na dayukdok sa laman hanggang sa mabuntis siya’t manganak.


Pero, iniwan daw ito ng nakabuntis sa kanya kaya naisipan nitong sumali sa nasabing show sa pagbabakasakaling manalo at maging stepping stone niya ito para sumikat. Ngunit hanggang ika-limang puwesto lang ang naipanalo nito.

Gayunman, nakilala ang hitad at nabigyan agad ng break sa pag-arte. Naging mainstay siya sa isang soap na nagwakas na sa isang malaking network, at naging pabalat din siya ng isang sikat na magazine kung saan nagpakita siya ng kaseksihan na naging dahilan para maglaway sa kanya ang mga mabogling rich guys. Halos maghubad na kasi siya sa nasabing babasahin.


Sa madaling sabi, may nakilala raw ang babaeng ito ng milyonaryong negosyante na nagbigay sa kanya ng bahay at mga sasakyan. Ibinahay raw siya nito nang kulang-kulang dalawang taon. Ang problema ngayon, pagkatapos siyang pagsawaan, binabawi na raw ng businessman ang mga naibigay sa kanya.


Ayaw naman niyang ibalik dahil keps niya ang naging puhunan dito. Iyon nga lamang, lately, pinagbabantaan na raw ang bida natin ng sira-ulong ex-dyowa niyang ito. Ano kaya ang gagawin ni Ms. Housemate, isoli na lamang ang mga ginivsong sa kanya o ipaglalaban niya ito maging mitsa man ito ng kanyang buhay?


***

MGA BIGATING ARTISTA, MAPAPANOOD SA GMA BLOCKBUSTERS WEEKDAY EDITION


TULOY-TULOY ang paboritong weekday habit tuwing hapon dahil sa mga pelikulang handog ngayong linggo sa GMA Blockbusters Weekday Edition.


Kahapon, Miyerkules (Disyembre 18), tripleng aksyon at katatawanan ang napanood- ang top-grossing MMFF movie ng 2012 na ‘Si Agimat, Si Enteng Kabisote, at Si Ako’ kung saan tampok ang tatlong bigating artista na sina Senator Bong Revilla, Vic Sotto, at Judy Ann Santos.


Ngayong Huwebes (Disyembre 19), tuloy ang tawanan sa pelikula ni Andoy Ranay na ‘Sosy Problems’. Bahagi sa 2012 MMFF entry na ito sina Rhian Ramos, Solenn Heussaff, Bianca King, at Heart Evangelista.


Horror-suspense Filipino movie naman ang dapat abangan sa Biyernes (Disyembre 20) dahil ipapalabas na ang ‘Shake, Rattle, and Roll 10′ kung saan bida ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera kasama ang iba pang Kapuso artists na sina Andrea Torres, Roxanne Guinoo, at Jean Garcia.


Mapapanood ang GMA Blockbusters Weekday Edition mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng ‘Magkano Ba Ang Pag-ibig?’ sa GMA.


***

GABBY LOPEZ: SA GITNA NG PAGSUBOK, ANGAT ANG KABUTIHAN NG PINOY


BINIGYANG-PUGAY ni ABS-CBN chairman Eugenio “Gabby” Lopez III ang katatagan ng mga Filipino sa gitna ng mga kalamidad sa kagaganap lamang na star-studded solidarity concert na pinamagatang, “Kwento ng Pasko: Pag-asa at Pagbangon: The 2013 ABS-CBN Christmas Special.”


“Ngayong taon, marami tayong mga Kapamilya na biglang nawalan ng bahay, ng hanapbuhay, ng mahal sa buhay. Pero, patuloy silang nananalig sa Diyos. Isang inspirasyon ang kanilang tibay,” pahayag ni Lopez.


“Ngayong Pasko, dapat lang tayong magpasalamat sa kahit anong maliit na bagay na meron tayo. Sana rin po ay bigyan tayo ng Panginoon ng lakas para makatulong sa pagbangon ng ating mga kababayan.”


Sa kanyang Christmas message sa Kapamilya viewers sa buong mundo, pinasalamatan ni Lopez ang lahat ng nakiisa sa rehabilitation efforts ng ABS-CBN sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon sa Sagip Kapamilya calamity fund at pag-volunteer sa pag-repack ng relief goods para sa calamity survivors.


“Hinahangaan ko rin po ang mga dumalo sa Solidarity Concert at ang lahat ng bumili ng ‘Tulong Shirts.’ Marami sa kanila ang naghintay sa mahabang pila at hindi pa kinuha ang sukli. Pinatutunayan po natin na sa gitna ng pagsubok, angat ang kabutihan ng Filipino,” ani Lopez.


***


For comments, suggestions & news feed, text me at 09234703506/09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 2-3 p.m, Monday to Friday. Mabalos!


The post Dating housemate, inanakan na binawian pa ng kabuhayan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Dating housemate, inanakan na binawian pa ng kabuhayan


No comments:

Post a Comment