MULI na namang natakot ang mga taga-Cebu at Bohol matapos yanigin ng lindol kaninang alas-4 ng hapon.
Pero agad din silang kinalma ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa pagsasabing ang magnitude 4.3 ay walang panganib na dulot na tumama sa Bohol, habang ang epicenter ay natukoy malapit sa Tagbilaran City.
Ayon pa kay Phivolcs Dir. Renato Solidum, bahagi pa rin ito ng aftershocks ng 7.2 magnitude na lindol noong Oktubre 15, 2013.
Naitala ang intensity IV sa Mandaue City, Cebu at intensity II sa Cebu City.
The post Bohol at Cebu nilindol na naman appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment