Disyembre 2, 1969 nang tanggapin ng Boeing 747 ang una nitong Federal Aviation Administration (FAA) airworthiness certificate.
Madalas tawaging Jumbo Jet, ang mahaba at malapad na commercial at cargo aircraft, ang una sa mundo.
Ginawa ng Commercial Airplane Unit ng Boeing sa Amerika, ang 747 ay naging isa sa pinakamalalaking eroplano noong 1960s.
Ang Boeing 747, isang four-engine airliner, ay unang mulipad noong 1970.
Sa loob ng maraming taon, hawak nito ang record sa dami ng naisasakay. Ang hump-like upper deck nito ay partikular na idinisenyo bilang first class lounge. Ang eroplano ay maaari ring i-convert bilang cargo carrier sa pag-aalis sa mga upuan sa nasabing bahagi nito.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment