Friday, December 13, 2013

ARAW NG KATAKSILAN (1)

square-nelson-flores “YESTERDAY, December 7, 1941 — a date which will live in infamy — the United States of America was suddenly and deliberately attacked by naval and air forces of the Empire of Japan,” ito ang madamdaming pahayag ni United States President Franklin Delano Roosevelt, 72 taon na ang nagdaan sa U.S. Congress, isang araw matapos na pataksil na bombahin ng mga eroplanong Hapones ang Pearl Harbor sa Hawaii.


Habang nagtatalumpati si Pangulong Roosevelt sa kanilang Kongreso ay nagla-landing naman ang hukbong Hapones sa Lingayen, Pangasinan.

Ito ang simula ng limang buwan na labanan para sa Pilipinas.

Ito rin ang umpisa ng tatlong taong walang Diyos para sa atin.


Bagama’t inaasahan ang digmaan at madalas na itong pinag-uusapan sa mga barberya sa kanto ay kataka-takang nabigla pa rin tayong mga Filipino sa pagdating ng giyera.


Napapaniwala kasi tayo na ang taglay na lakas-militar ng Amerika ay sapat para hindi lumusob ang mga “mahihinang” Hapones.


Mali ang ating akala.

Nagtiwala tayo nang husto sa ating mga mananakop na Amerikano kaya wala tayong ginawang paghahanda hanggang sa maging huli na ang lahat.

Mali pala ang ating pagtitiwalang ginawa.

Mantakin na lamang na ang War Plan Orange-3 (WPO-3), ang plano ng Amerika para sa pagtatanggol ng Pilipinas ay isinakatuparan lamang noong Abril 1941, walong buwan bago sumalakay ang mga Hapones sa Pangasinan.

Kasabay ng WPO-3 ay ibinalik mula sa pagkakaretiro si Hen. Douglas McArthur upang pamunuan ang bagong tatag na United States Armed Forces in the Far East o USAFFE.


Ayon sa historyador na sa Louis Morton, malinaw na sa mga may akda ng WPO-3 na hindi kayang ipagtanggol ng Amerika ang Pilipinas.


Ayon sa planong ito, ang USAFFE ay makikipaglaban lamang sa Bataan at Corregidor.


Ang puwersang ito ay kikilos para lamang antalain ang mga Hapones sa kanilang iba pang plano.


Tinataya kasi na sa loob ng anim na buwan ay makararating ang saklolo mula sa U.S. at maitataboy ang mga Hapon mula sa mga nasakop na bayan.


Wala sa WPO-3 ang pagsuko ng Bataan at Corregidor.


Maliban sa mga hindi nakaaalam, walang pinunong Amerikano ang naniniwala sa WPO-3.


Sa katunayan, noong Marso 29, 1941, matapos ang tatlong buwang pulong ng mga Amerikano, Ingles at mga Canadian (ABC-1)sa Washington D.C. ay napagpasyahan na nila na uunahin muna ang Europa bago kikilusan ang Asya.


Ibig sabihin nito ay gagapiin muna nila ang Alemanya bago didigmain nang husto ang Imperyong Hapon.


Ibig sabihin pa nito na walang naniniwala na magiging madali o maikling panahon lamang ang digmaan. Alam na nilang mahabang bakbakan ito.

(itutuloy)


Kung ibig ninyong maligo sa isang pribadong hot spring ay pumunta kayo sa Infinity Resort, Indigo Bay Subdivision, Barangay Bagong Kalsada, Lungsod ng Calamba.


Malapit lamang ito sa Metro Manila at mula rito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.


Kontakin ninyo si Gene Lorenzo sa infinity_resort@yahoo.com para sa karagdagang impormasyon.


The post ARAW NG KATAKSILAN (1) appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



ARAW NG KATAKSILAN (1)


No comments:

Post a Comment