TULOY lang ang trabaho kahit nakademanda sa Office of the Ombudsman (OMB) sina Agriculture Secretary Proceso Alcala at National Food Authority (NFA) Administrator Orlan Calayag.
Ito ang napag-alaman ng Remate News Central.
Ayon sa mga tagapagsalita ng DA, wala pa silang natatanggap na kopya ng reklamo mula sa OMB kaya wala pa silang masasabi tungkol dito.
Wala ring utos ang Malakanyang na mag-leave sina Alcala at Calayag kaya tuloy lang muna ang kanilang trabaho.
Matatandaang naghain ng reklamo si Atty. Argee Guevarra sa Ombudsman dahil sa overpriced na bigas na inangkat mula sa Vietnamn.
Sobra ng P457.2 milyon ang presyo ng inangkat na 205,700 metric tons ng bigas mula sa Vietnam noong Mayo 2013.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Sonny Coloma, pag-aaralan pa ng Ombudsman ang kaso.
Dadaan sa legal na proseso ang kaso nina Alcala at Calayag.
Wala ring nakasaad sa batas na dapat umalis sa pwesto ang dalawang opisyal kahit pa nakademanda sa OMB.
The post Alcala, Calayag tuloy sa trabaho kahit nakademanda appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment