Tuesday, December 3, 2013

Air Supply concert on December 11 sa Solaire Resort and Casino

MULING pasasayahin ng Australian soft rock duo, Air Supply, ang kanilang Pinoy fans na naturally romantic at heart sa kanilang pagbabalik-concert sa Solaire Resort and Casino sa December 11.


Ilang beses nang pabalik-balik sa Pilipinas ang magkaibigang British born singer-songwriter at guitarist na sina Graham Russell at ang lead vocalist Australian Russel Hitchcock. Ang concert ng Air Supply sa Solaire ay produced ng Grand Leisure Corporation at supported by Park N Ride, Inc.


Gumawa ng pangalan ang Air Supply noong 80′s nang mapasama ang walong kanta nila sa Top Ten hits sa United States of America. Ang Air Supply ay nabuo noong 1975 sa Australia. Breaking the record ang accomplishment ng duo group dahil nakapagbenta ang Air Supply ng 100 million albums worldwide.


Last October 24, 2013 ay nag-announce ang Australian Recording Industry Association (ARIA) na iaangat na ang duo sa kanilang Hall of Fame na naganap ang seremonya sa annual ARIA Awards noong Dec. 1, 2013.


Noong taong 1980, ang single ng Air Supply na Lost In Love under Arista Records ay gumawa ng record bilang fastest-selling single ng taon. Nasundan agad ito ng hits na All Out Of Love na mas mabilis pang naibenta sa market dahil sa kasikatan ng Air Supply.


Para sa inquiries, please call (02)5277428, 8977142, 8962413, 8906067, 09265927593, and look for Joanna or Elvie, or email grandleisure.adm@gmail.com.


The post Air Supply concert on December 11 sa Solaire Resort and Casino appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Air Supply concert on December 11 sa Solaire Resort and Casino


No comments:

Post a Comment