Thursday, December 5, 2013

1,000 guro, 7-buwang walang allowance

TARLAC CITY – Mahigit 1,000 guro sa Tarlac City Schools Division ang umaangal umano dahil hindi pa nila natatanggap ang kanilang local school board allowance mula sa pamahalaang lungsod ng Tarlac.


Bawat guro ay umaasang matatanggap nila ang buwanang allowance na P500, ngunit wala pa silang natatanggap mula Hunyo hanggang Disyembre ngayong taon.



Nabatid na wala pang natatanggap na allowance ang mga pampublikong guro mula sa Tarlac Central, South, East, North at West, na kung susumahin mula Hunyo ay nasa P3,500 bawat guro. – Leandro Alborote


.. Continue: Balita.net.ph (source)



1,000 guro, 7-buwang walang allowance


No comments:

Post a Comment