Friday, January 2, 2015

Yellow rainfall warning, itinaas sa ilang bahagi ng Visayas

NAKATAAS na ngayon ang yellow rainfall warning sa ilang bahagi ng Visayas dahil sa tail-end of cold front.


Tinukoy ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na apektado nito ang Eastern Samar, Samar, Leyte at Southern Leyte.


Posibleng makaranas ng pagbaha sa mabababang lugar at pagguho ng lupa sa kabundukan.


Sa Eastern Samar, dalawang munisipyo na ang nagkaroon ng pagguho ng lupa dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan.


Sa ulat ni Engr. Levi Nicart, officer ng Eastern Samar PDRRMO nagkaroon ng landslide sa Bgy. Sta. Cruz, Quinapondan at Bgy. Biga ng Giporlos at hindi na nadadaanan ang ilang kalsada dahil sa gumuhong lupa.


Gayunman, wala pang naiuulat na namatay sa pangyayari. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Yellow rainfall warning, itinaas sa ilang bahagi ng Visayas


No comments:

Post a Comment