NAGPAPATULOY ang paghahanap sa tatlo sa apat na magpipinsan na nalunod matapos maligo sa isang beach sa lalalawigan ng Negros Occidental.
Napag-alamang ang mga biktima ay naligo umano sa beach sa Bgy. Tiling, Cauayan at alas-10:00 ng umaga ay humingi ng tulong ang ama ng isa sa mga biktima kay Punong Barangay Lorenzo Mamites para sa rescue operation.
Ang mga biktimang nawawala ay kinilalang sina Reynaldo Silvera, 13; April Rose Guimong, 13; Stephany Guimong, 15, pawang ng Roseville Subd. Kabankalan City at Jesel Diaz, 14, ng Bgy. Tapi, Kabankalan City.
Ayon kay Punong Barangay Mamites, isa sa mga biktima ang na-rescue na agad na isinugod sa pagamutan ngunit hindi pa nito matukoy kung ano ang pangalan nito mula sa apat.
Sinasabi na tinangay ng tubig ang mga biktima papunta sa gitna dahil sa malakas na alon na tila hindi maganda ang panahon sa lugar at malakas ang ihip ng hangin. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment