Friday, January 2, 2015

Magnanakaw ng panabong na manok nakuryente, tigok

TIGOK na nang matagpuan ang isang lalaki na isa sa dalawang suspek na nanloob sa isang farm at nagnakaw ng manok na panabong sa Bgy. La Paz, Zamboanga City.


Ayon sa imbestigasyon na isinagawa ng Ayala police station 9, bago nadiskubre ang bangkay ng hindi pa kilalang lalaki, nakita siyang pumasok sa Jun Pe Farm kasama ng isa pang lalaki.


Papatakas na ang dalawang suspek dala ang dalawang ninakaw na manok pansabong nang aksidente umanong mahawakan ng isa ang live wire at dito na siya dumikit hanggang mamatay.


Ang naturang farm na pag-aari ng nagosyanteng si Jun Pe ay nag-aalaga ng mga manok pansabong na mabibili sa libu-libong halaga.


Sa rekord ng pulisya, marami na ring insidente ng pagnanakaw ang naitala sa naturang lugar.


Ibinibenta rin umano sa ibang mga lugar ang mga ninanakaw na manok sa mababang halaga.


Inaalam pa ng pulsiya ang pagkakakilanlan ng nakatakas nitong kasamahan.


Hindi rin tinukoy ng pulisya kung sinadyang ilagay ng negosyante ang mga live wire sa palibot ng kanyang farm na siyang nahawakan ng suspek sanhi ng kanyang kamatayan. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Magnanakaw ng panabong na manok nakuryente, tigok


No comments:

Post a Comment