TIYAK na sunod-sunod na naman ang pagtataas ng produktong petrolyo sa bansa sa unang parte ng taong 2015.
Ito ang tiyak na tiyak dahil bukod sa nagparamdam na ang mga kumpanya ng langis ay ito rin naman talaga ang kanilang estilo at iyan ay kanilang nagagawa dahil sa patuloy na pakikipagsabwatan dito ng ilang taong gobyerno.
Malinaw sa pattern na mga oil firm na kapag sila ang nagtaas ng presyo sa kanilang mga produkto ay walang preno at iyan ay pinatunayan na ng mga pangyayari at kasaysayan.
Ang masakit nito ay maging ang pamasahe sa LRT at MRT ay tataas sa Enero 4, at iyan ang regalo sa atin ni PNoy na mukhang dedma na sa sentimyento ng bayan.
Malinaw sa katwiran ng Pangulo na unfair naman daw sa taga-Visayas at Mindanao ang ginagawa ng gobyernong subsidy sa pamasahe ng LRT at MRT dahil hindi naman sumasakay rito ang mga taga-naturang lugar.
Sa ating pag-aanalisa ay palso ang katwirang ito dahil ang importante kung ikaw ang lider ng bansa ay natutulungan mo ang maraming mamamayan na totoo namang naghihirap pa rin sa kasalukuyan.
Halos natutulungan din naman ng gobyerno ang mga taga-Mindanao at Visayas dahil sa 4Ps at iba pa nilang programa at iyan ang importante dahil balanse ang pagtingin nila sa kanilang pinamumunuan.
Maging ang presyo ng tubig at kuryente ay tataas kaya’t asahan na natin na mas mahirap na buhay sa 2015 dahil nga sa mukhang pinabayaan na tayo ng gobyerno ito.
Malinaw ang papel ng gobyerno ay tumulong pero sa pangyayari nating nabanggit ay mukhang sila pa ang nagbabaon sa mamamayan na bukod sa hirap na hirap na sa buhay ay dinaluyong pa ng sunod-sunod na mga kalamidad sa bansa. ALINGAWNGAW/ALVIN FELICIANO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment