SUMADSAD ang temperatura sa City of Pines ngayong ikalawang araw ng bagong taon.
Sa pinakahuling tala ng PAGASA-Baguio, bumaba ang temperatura sa 11.4°C.
Ayon sa PAGASA-Baguio, ito na ang pinakamababang temperatura na naitala sa lungsod mula sa pinakamababang naitala na 11.8°C noong nakaraang Disyembre.
Inaasahan pang titindi ang lamig sa mga susunod na araw hanggang Pebrero.
Samantala, inihayag naman ng mga magsasaka sa bayan ng Atok sa lalawigan ng Benguet na handa ang mga ito sa posibleng andap sa kanilang mga pananim.
Matatandaang tuwing sasapit ang buwan ng Enero ay nakakaranas ng andap o frost ang mga gulay sa naturang bayan dahil pa rin sa mas mataas na elevation nito kung ikukumpara sa lungsod ng Baguio. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment